Teoryang Queer
“Girl,BoyBakla,Tomboy”
Noel Lapuz
Natutunan:
Pagkatapos
talakayin ang paksang ito, natutunan ko na ang layunin ng teoryang Queer ay
isulong ang pantay na pagtingin at pagrespito sa LGBT community. Hindi natin
dapat gawing basehan ang katauhan o kasarian ng isang tao upang bigyan natin
sila ng respito. Huwag na huwag din tayong gagawa ng mga bagay na makakasakit
sa kianila lalo na kung wala naman silang ginagawang masama. Nararapat na
isaisip natin na tao rin sila na nasasaktan, kaya’t mahalin natin sila tulad ng
pagmamahal at pagrespito natin sa ating mga sarili.
Reaksyon:
Angkop na
angkop ang ginamit na akda ng mga mag-uulat bilang halimbawa ng teoryang Queer.
Malinaw ang ang layunin at nais ipaabot ng akda sa mga mambabasa na walang iba
kundi ang pagrespito sa mga taong napapabilang sa ikatlong kasarian.
Teoryang Realismo
“Intoy Syokoy”
Eros Atalia
Natutunan:
Mula sa paksang ito, natutunan ko na ang
Teoryang Realismo ay may layuning maglahad ng mga pangyayaring totoong
naranasan ng may-akda sa kanyang lipunan. Subalit, hindi masasabing tuwiran
nitong inilalahad ang katotohanan sapagkat isinasaalang-alang din ng may-akda
ang kasiningan nito. Base naman sa akdang “Intoy Syokoy”, nalaman konng dahil
sa kahirapan maraaming tao ang napiplitang kumapit sa patalim at nakakagawa ng
di kaaya-ayang mga bagay. Napakasakit isipin dahil ang mga bagay na ito ay
patuloy pa ring nangyayari sa lipunan hanggang ngayon. Napagtanto ko rin na sa
halip na isisi natin sa pamahalaan o sa ating sarili ang kahirapang ating
natatamasa, mas maiging pagsumikapan na lamang natin ang mga bagay na nais
nating matamasa. Dapat tayong magkaisa upang sugpuin ang kahirapan at samahan
natin ng dasal at pananalig sa Maykapal.
Reaksyon:
Napakaangkop ng akdang pinili ng mga mag-uulat
bilang halimbawa ng teoryang Realismo. Sinasalamin ng mga pangyayaring inilahad
sa akda ang totoong mga nagyayari sa ating lipunan, katulad na lamang ng
kahirapan at pagkapit sa patalim ng mga tao lalong-lalo na ang mga mahihirap.
Teoryang Naturalismo
“Walang Panginoon”
Deogracias A. Rosario
Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan, nalaman ko na ang teoryang
Naturalismo ay mas nagbibigay diin sa pisikal na katangiang likas sa tao kaysa
sa katangiang moral. Ito'y teoryang pampanitikan na nananiniwalang
walang malayang kagustuhanang isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog
lamang ng kanyang heriditi at kapaligiran.
Mula naman sa akdang
tinalakay, napagtanto kong hindi tayo dapat magkimkim ng sama ng loob sa mga
nagkasala sa atin, matuto tayong magpatawad dahil kung hindi ay maari natin
itong ikapahamak. At kung sakaling mas nakakaangat tayo sa estado sa buhay
kumpara sa iba, huwag nating gamitin ang ating kayamanan o kapangyarihan upang
tapakan at hamakin ang ibang tao. Huwag tayong aastang tila isang “panginoon”
sapagkat tayo’y pantay-pantay lamang nang nilikha ng totoong Panginoon.
Reaksyon:
Masasabi kong angkop
ang ginamit na akda ng mga mag-uulat bilang halimbawa ng teoryang Naturalismo,
sapagkat malinaw na inilahad sa akda ang masalimoot na nararanasan ng
pangunahing tauhan mula sa mga taong mas nakakaangat sa buhay. Tila nawalan
siya ng karapatan at naging sunod-sunuran sa kagustuhan ng isang taong
nag-aastang tila isang “panginoon”.
Teoryang Arkitaypal
“Gapo”
Lualhati Bautista
Natutunan:
Pagkatapos
ng talakayan, nalaman ko na ang teoryang Arkitaypal ay may layuning
ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Gumagamit ang teoryang ito ng mga modelo o huwaran upang masuri
ang elemento ng akda. Mula naman sa akdang “Gapo”, namulat ako sa katotohanang
hindi lamang pala puro kabutihan ang idinulot ng mga sundalong Amerikano sa
ating bansa, may ginawa rin silang kabulastugan at pagmamalupit sa mga
Pilipino. Napagtanto ko rin na ang ginamit na simbolo sa akda ay ang mismong
mga sundalong Amerikano, sinisimbolo nila ang mga katangian tulad ng pagiging “mapang-abuso”
at “mapanlinlang”.
Reaksyon:
Masasabi kong angkop ring gamitin ang akdang
“Gapo” bilang halimbawa ng Teoryang Arkitaypa, subalit para sa akin mas
nangingibabaw sa akdang ito ang teoryang Realismo at Historikal sapagkat ito’y
nakabase sa katotohanan at kasaysayan. Sana’y naghanap pa ng ibang akda ang mga
mag-uulat na kung saan mas klaro at mas namamayagpag ang pagiging Arkitaypal.
Teoryang
Formalistiko
“Sandaang Damit”
Fanny A. Garcia
Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan, natutunan ko na ang
layunin ng teoryang Formalistiko ay iparating sa mambabasa ang nais ipaabot ng
may-akda gamit ang kanyang tuwirang panitikan.Hindi rin ito gumagamit ng mga simbolismo
at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri at pang-unawa. Mula naman
sa akdang “Sandaang Damit”, natutunan ko na “di dapat tayo agad manghusga o
mangutya ng isang tao dahil lang sa estado nito sa buhay, matuto tayong
rumispeto sa iba lalong-lao na kung di pa natin sila lubusang kilala. Hindi rin
nararapat na magpanggap o magsinungaling tayo ukol sa estado natin sa buhay
para lang magkaroon tayo ng mga kaibigan, lagi nating tatandaan na ang tunay na
kabagang ay hindi iniisip kung anong mayroon ka, kaya ka nitong tanggapin
mahirap ka man o mayaman.
Reaksyon:
Para sa akin, hindi masyadong angkop ang na
gamitin ang akdang “Sandaang damit” upang gamiting halimbawa ng teoryang
Formalistiko. Base sa sarili kong pagkakaintindi at pagsusuri, ang “sandaang
damit” na inilahad sa akda ay sumisimbolo sa pangarap ng pangunahing tauhan, at
hindi ito tumpak sa layunin ng Teoryang Formalistiko.
Teoryang Humanismo
“Paalam sa Pagkabata”
Nazareno D. Bas
Natutunan:
pagkatapos
ng talakayan, natutunan ko na ang teoryang Humanismo ay nakasentro sa tao at
nagbibigay halaga sa dignidad ng tao kabilang ang kanyang isip at damdamin.
Base naman sa akdang inilahad, natutunan nararapat na maging wais tayo sa bawat
hakbang na ginagawa natin sa ating buhay, mag-isip muna tayo at huwag
padalos-dalos sapagkat isang maling hakbang natin ay maaari nating pagsisihan
habang buhay. Napagtanto ko rin na wala talagang lihim ang hindi nabubunyag,
dadating at dadating ang araw na ang lahat ay lilitaw o malalantad.
Reaksyon:
Napakaangkop
ng akdang pinili ng mga mag-uulat bilang halmbawa ng teoryang Humanismo. Makikita
at kapansin-pansin sa kwento na binibigyang diin ng may-akda ang damdamin at
kaisipan ng pangunahing tauhan. Ang mga katanungan ng pangunahing tauhan sa kanyang sarili at
ang kanyang poot sa kanyang ikalawang ama ay nagsisilbing patunay na ang buong
kwento ay nakasentro sa isip at damdamin niya na tumpak na tumpak sa layunin ng
Teorya.
Teoryang
Ekspresyunismo
“Caregiver”
Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan, natutunan ko na ang teoryang
Ekspresyunismo ay may layuning ipahayag ang kaisipan at nadarama ng may-akda
nang wlang pag-aalinlangan o pagkabahala. Karaniwan lang din ang mga ideyang
ipinapahayag ditto. Base namn sa akdang tinalakay, natutunan ko na dapat nating
pahalagahan ang ginagawa ng mga OFW sapagkat hindi biro ang sakripisyong
ginagawa nila para sa kanilang pamilya.
Reaksyon:
Para sa akin, hindi
masyadong angkop ang ang akda na ginamit ng mga mag-uulat bilang halimbawa ng
teoryang Ekspresyunismo. Masasabing karaniwan lamang ang mga ideyang
ipinapahayag sa akdang “caregiver” subalit hindi masyadong malinaw na
ipinahahayag ang intensyon nitong ilabas ang saloobin at kaisipan ng may-akda
sapagkat hindi ito nakabase sa personal o mismong karanasan niya. Sa tingin ko, mas angkop na
gamitin ang akdang ito sa Teoryang Realismo spagkat sinasalamin nito ang
katotohanan tungkol sa mga OFW.
Teoryang Markismo
“Sandaang Damit”
Fanny A. Garcia
Natutunan:
nalaman ko na ang
layunin ng teoryang Markismo ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon
mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Mula
naman sa akdang tinalakay, natutunanan ko na hindi tayo dapat magkunwari o masinungaling
ukol sa totoong estado natin sa buhay para lang magkaroon tayo ng mga kaibigan.
Dapat nating tandaan na ang totoong kaibigan ay kusang dumadating at hindi nito
iisipin ano man ang estado mo sa buhay.
Reaksyon:
Para sa akin, hindi angkop na gamiting halimbawa ang akdang
“Sandaang Damit” para sa Teoryang Markismo. Masasabing nakagawa nga ng paraan
ang pangunahing tauhan upang iangat ang kanyang sarili mula sa kahirapn na
kanyang nararanasan, subalit hindi naging tama ang kanyang pamamaraan. Ang
pangunahing tauhan ay nagsinungaling kaya hindi siya naging isang mabuting
huwaran.
Teoryang Feminismo
“Nanay Masang sa Calabarzon”
Sol F. Juvida
Natutunan:
Pagkatapos ng
talakayan, natutunan ko na ang layunin ng teoryang Feminismo ay magpakilala ng
mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan at alisin ang de-kahong imaheng ibinibigay sa kanila. Mula naman sa
akdang inilahad, napagtanto ko na dapat kilalanin nating ang kakayahan ng mga
kababaihan, katulad na lamang ng ginawa ni Nanay Masang nang ipagtanggol niya
ang ang kanilang sakahan mula sa mga taong nais kunin ito.
Reaksyon:
Napakaangkop ng akdang ginamit na akda ng mag-uulat bilang
halimbawa ng teoryang Feminismo. Napakalinaw na inilahad sa akda ang kalakasan
ng mga kababaihan. Ipinapakita sa akda na
kahit ang mga babae ay may kakayahang maging malakas at ipagtanggol ang
kanilang sarili. Ang pangunahing tauhan sa akda ay isa sa mga patunay na kahit
ang mga babae ay may kakayahang mamuno at manindigan.
Teoryang
Bayograpikal
“Mga Alala-ala ng isang mag-aaral sa
Maynila”
Isinalin ni P. Jacinto
Natutunan:
Natutunan ko na ang
layunin ng teoryang Bayograpikal ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya ang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo. Base sa akdang inilahad ng mga mag-uulat, napagtanto ko
kung gaano kahalaga ang edukasyon. Ang edukasyon ang magsisilbi nating
instrument upang makamit ang ating minimithi katulad na lamng ng ginawa ng ating
pambansang bayani.
Reaksyon:
Walang dudang napakaangkop ng akdang gianamit ng mga
mag-uulat bilang halimbawa ng Teoryang Bayograpikal. Ang mga inilahad sa akda
ay ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Dr. Jose Rizal noong mga panahong
nag-aaral pa lamang siya.
Teoryang Imahismo
“Ang Riles sa Tiyan ni Tatay”
Eugene Y. Evasco
Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan, natutunan ko na ang layunin ng
teoryang Imahismo ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na
higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Base
naman sa kwentong inilahad, natutunan ko na dapat pahalagahan, pasalamatan at
mahalin natin ang ating mga ama sapagkat hindi biro ang ginagawa nilang
sakripisyo alang-alang sa ating kapakanan. Handa nilang tiisin ang lahat ng
hirap matustusan lang ang ating mga pangangailanagn.
Reaksyon:
Napakaangkop ng akdang ginamit ng mga mag-uulat bilang
halimbawa ng teoryang Imahismo. Ang ginamit na imahen sa akda ay ang hugis
riles na piklat sa tiyan ng ama na kung saan sinisimbolo nito ang kanyang “pagkamatiisin”.
Handa niyang gawin at tiisin ang lahat ng hirap alang-alang sa kanyang mga anak
buhay man niya ang maging kapalit.
Teoryang
Romatisisismo
“Sayang na Sayang!”
Natutunan:
Pagkatapos ng talakayan, nalaman ko na ang teoryang
Romantisismo ay may layuning ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Mas binibigyang diin sa teoryang ito ang damdamin kaysa sa kaisipan.
Base naman sa akdang “Sayang na Sayang!”, natutunan ko na kung mahal natin ang
isang tao, huwag mong hahayaan o hintayin pang mapalayo o mawala siya nang
tuluyan. Dapat na ipaglaban mo ang iyong pag-ibig lalong-lao na kung alam mong
mahal ka rin niya. Huwag mo nang hintayin pa na dumating ang panahong lahat ng pinagsamahan niyo ay
magiging isa na lamang ala-ala.
Reaksyon:
Napakahusay at napakaangkop ng akdang pinili ng mga mag-uulat
bilang halimbawa ng Teoryang Romantisismo. Malinaw na ipinahayag sa akda ang
pagmamahalan ng dalawang magsing-irog na sa kasamaang palad ay nasayang. Mapapansin
rin sa akda na mas namamayagpag ang damdamin kaysa sa isipan, katulad na lamang
ng kalungkutan at panghihinayang na nadarama ng dalawang taong minsang
nagmahalan.